Exportation ng exotic birds pinalagan

PINALAGAN ng isang senador ang plano ng gobyerno na payagan ang export o pagluluwas ng exotics birds sa bansa patungong Europa.

Ayon kay Sen. Manny Villar, bagamat malaki ang kikitain ng bansa sa pagluluwas ng mga exotic bird, nakababahala naman ang magiging epekto nito sa ating ecosystem lalo pa’t marami sa species ng ibon sa bansa ay nanganganib nang maglaho.

Sinabi pa ni Villar na hindi dapat ipagwalang-bahala ito ng Senado dahil nakasalalay dito ang mga susunod na henerasyon ng bansa na maaaring hindi na masilayan ang mga exotic birds na balak ibenta sa Europa.

Dahil dito, inihain ni Villar ang Senate Resolution No. 707 upang maimbestigahan ng Senate committee on agriculture and food at ng committee on trade and commerce, ang pinaplanong pagluluwas ng exotic birds sa Europa.

“The legislature must act in order to strike a balance between the purported profits of the exporters from this trade and the general welfare which we are bound to protect and promote in the interest of succeeding generations,”giit ni Villar.

Nauna rito ay iniulat ng Bureau of Animal Industry na sinisilip nila ang pagpapahintulot sa pagluluwas ng exotic birds sa European Union.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply