Pag-IBIG ‘ninong-ninang’ sa magpapakasal na mga miyembro

MAGSISILBING ‘ninong at ninang’ ang Home Development Mutual Fund o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund sa mga kasapi nito na gustong mabasbasan ng kasal ang kanilang pagsasama.

Ayon kay Pag-IBIG chief executive officer, Atorni Darlene Marie Berberabe, aabot sa 2,000 kasapi ng Pag-IBIG ang mabibiyayaan ng sagradong kasal ngayong Araw ng mga Puso sa isasagawang ‘mass wedding’ sa SM Mall of Asia, Baguio, Naga, Bacolod, Cebu, Davao at Cagayan de Oro.

Pangungunahan naman ni Vice President Jejomar Binay ang isasagawang ‘Kasalan ng Pag-IBIG’ ng 600 kasapi sa Bacolod New Government Center sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Bacolod.

Sinabi pa ni Berberabe na hindi lamang ang pagbibigay ng basbas ng Simbahang Katolika ang layunin ng kasalan, kundi ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga miyembro, partikular na ang mga ikakasal, kung ano ang mga benepisyong ibinibigay ng Pag-IBIG sa mga kasapi nito.

Ayon pa kay Berberabe, hindi lamang matatapos ang seremonya sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga katagang ‘I Do’ ng mga magsing-irog, kundi ang makapagsimula ng bagong buhay tungo sa magandang bukas.

Magpapa-raffle rin ang Pag-IBIG ng bahay at lupa, mga gamit sa bahay sa mga masuwerteng magkasintahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply