Pag-subpoena kay Banal haharangin ng prosekusyon

PINAG-AARALAN ng prosekusyon kung dapat humarap o hindi sa impeachment tribunal si Quezon City 3rd District Rep. Jeorge “Bolet” Banal.

Ito ay matapos hilingin ni Senadora Miriam Defensor-Santiago sa impeachment court na ipatawag si Banal matapos mabanggit ng testigong si Annabelle Tiongson, branch manager ng PS Bank na siya ang nagtungo sa Katipunan upang humingi ng tulong sa manager.

Sinabi ni lead prosecutor Niel Tupas, hindi sila nag-uusap ni Banal, na siyang in-charge sa Finance at Secretariat ng prosekusyon.

“Hindi kami nag-uusap about it. Hindi ko talaga alam, ngayon ko lang nalaman,” ayon kay Tupas kasabay ng pagtanggi na kailanman ay hindi niya inutusan si Banal na pumunta sa PS Bank Katipunan Branch.

Kasabay nito ay sinabi ni Tupas na igigiit ng prosekusyon ang inter-parliamentary courtesy matapos payagan ni presiding judge Juan Ponce-Enrile ang pagpapasubpina kay Banal.

“We will discuss about it. We will consider the constitutionality and the inter-parliamentary courtesy,” paliwanag ni Tupas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply