Pag-uwi sa mga labi ni Iggy unsiyami uli

HINDI na naman matutuloy ang pag-uuwi sa mga labi ni Negros Occidental Representative Ignacio “Iggy” Arroyo mula sa London.

Sa halip na mamaya ay bukas na lang ng gabi iuuwi ang labi ni Iggy ayon na rin sa pagkumpirma ng maybahay nito na si Alicia “Aleli” Arroyo makaraang makatanggap sila ng tawag mula sa Consul General na si Bernadette Fernandez ng Philippine Consulate sa London na naghihintay pa sila ng panibagong iskedyul mula sa punerarya sa nasabing bansa.

Batay sa wake at funeral arrangement, pagdating sa bansa ng mga labi ni Iggy ay ididiretso muna siya sa ancestral house ng mga Arroyo sa La Vista Subdivision, Quezon City, dalawang araw kay Aleli habang sa Martes naman ay dadalhin sa Kongreso bago ilipad sa Bacolod City saka ibabalik sa ancestral house sa La Vista sa Biyernes.

Ililibing si Iggy sa Sabado, Marso 3 sa Manila North Cemetery.

Halos isang buwan na ang nakararaan mula nang mamatay sa London hospital si Iggy dahil sa atake sa puso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply