Hirit na pag-aalis ng VAT sa langis ibinasura

IMPOSIBLE na ang hirit ng transportation groups na pag-aalis ng value added tax (VAT) sa langis makaraang agad itong ibasura ng Malakanyang.

Kahapon ay iniutos na ni Pangulong Aquino ang pamamahagi ng P200 million sa Pantawid Pasada program.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte, malabong pagbigyan ang hirit ng transport sectors dahil naipaliwanag na ni PNoy ang masamang implikasyon ng nasabing panukala lalo sa pangkabuuang ekonomiya ng bansa.

Sa pag-aalis ng VAT sa langis ay mawawalan ng bilyong pisong kita ang gobyerno na posibleng makaapekto rin sa credit ratings ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply