Pagbasa ng sakdal kay GMA ikinatuwa ng Malakanyang

ISANG positibong development ang nangyaring pagbasa ng sakdal kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kanina na nahaharap sa kasong election sabotage.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, makabubuti sa dating lider ang nangyaring arraignment sa kanya dahil mabibigyan na siya ng pagkakataon na maihayag ang kanyang panig sa patas na sistema ng hustisya sa bansa.

“Rep. Gloria Macapagal-Arroyo’s arraignment today brings us one step closer towards attaining closure to the many controversies that have hounded our country during the previous administration. It is our goal to give her a day in court under a fair and impartial system of justice. At this time of reckoning, it is incumbent upon all of us to remain vigilant and observe this process as it unfolds. We must remain mindful of how in the past there were those who moved heaven and earth to prevent this day from arriving,” anito.

Nauna nang nagpasok ng “not guilty plea” si Arroyo nang basahan siya ng sakdal.

Sa ginawa aniya ni dating Pangulong Aquino ay uusad na ang paglilitis kung saan titimbangin ang merito ng kaso at makakamit na ang hustisya.

Naniniwala ang Malakanyang na pagkatapos ng arraignment, napapalapit na rin ang pagkaroon ng kalinawan sa mga kontrobersyang bumalot sa nakaraang administrasyon.

“We welcome the decision of CGMA to submit herself to the judicial process in pleading not guilty. The trial can now proceed on the merits and let justice be done,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

Tumagal lamang ng 20 minuto ang arraignment dahil nagpasya si Gng. Arroyo na huwag nang basahin ang sakdal laban sa kanya, ani Topacio.

Magaganap ang pre-trial at preliminary conference ng kaso ni Gng. Arroyo sa ika-19 ng Abril.

Matapos maghain ng not guilty plea, agad siyang dinala sa patungo sa kanyang convoy pabalik sa VMMC.

Bago dumating sa korte ang dating pangulo, namataan malapit sa Pasay City Hall of Justice ang kanyang asawang si dating First Gentleman Jose Miguel, at ang kanyang anak na si Ang Galing Pinoy party-list Rep. Juan Miguel.

Inaresto ang dating Pangulo noong Nob. 18, habang nagpapagamot sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City. Inilipat siya sa VMMC noong Disyembre 9.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply