Pagbasura sa testigo ng article 3 iaapela

SAAN pa kami dudulog?

Ito ang pagtatanong ng mga tagapagsalita ng prosekusyon matapos ibasura ng impeachment court ang testimonya ng opisyal ng Philippine Airlines (PAL).

Sinabi ni Marikina Rep. Miro Quimbo na “but where do we go we are not like the defense na meron silang Korte Suprema na kanilang kakampi. Pero linawin lang po natin that the witness does not seek to expand the overact na piang-uusapan doon. Walang binabago o expansion.”

Giit pa ni Quimbo na importante ang testimonya ni PAL Vice President Enrique Javier dahil mailalahad dito kung bakit nagkaroon ng “betrayal of public trust” na siyang nilalaman ng Article 3.

Aniya, muli nilang hihilingin na ikonsidera ang pagharap ni Javier sa paglilitis.

Nilinaw naman ni Aurora Rep. Sonny Angara na ang pinag-uusapan dito ay ang kawalan ng integridad.

“Sa palagay naming kapag tumanggap ka po ng pabor mula sa litigant o mula sa kaninumang kaso na hinaharap ng iyong sala ay sa palagay ko mali ang tumanggap ng anumang pabor,” giit ni Angara.

Samantala, maging si House Majority Floorleader Neptali Gonzales ay umapela na huwag isingit sa paglilitis ang ibang mga lumilitaw na usapin gaya na lamang ng pagpapatawag pa kay Quezon City Rep. Jorge “Bolet” Banal upang pagpaliwanagin sa pagkakakuha ng bank documents ni CJ Corona.

Sa maagang suspensyon ng paglilitis kanina ay muling nilinaw ni Presiding

Judge Juan Ponce-Enrile na “irrelevant” ang testigo para sa Article 3.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply