Pagbawi sa 5 article of impeachment kinuwestyon ni Miriam

SA IKA-26 na araw ng impeachment trial, muling nakatikim ng sermon mula kay Senator-judge Miriam Defensor-Santiago ang prosekusyon.

Ito ay kaugnay sa biglang pahayag ni lead prosecutor at Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr. sa impeachment court na hindi na sila magpi-prisinta ng mga ebidendsya at testigo para sa nalalabing limang artikulo (article 1,4,5,6 at 8).

“Nagbibiro ba kayo?” tanong ni Santiago sa prosekusyon sabay sabing maituturing na “unethical behavior” ang naging aktuwasyong ito ng kongresista.

Naunang inamin sa Kamara ni House Majority Leader Neptali “Boyet” Gonzales II na hindi pa sapat ang mga inilatag na ebidensya ng prosekusyon upang mapatalsik si Corona sa kaniyang pwesto.

Taliwas aniya sa tibay ng ebidensyang inilatag sa Article 2 o sa SALN ni Corona, hindi aniya ganoon katibay ang mga ebidensya ng Article 3 at 7.

Paliwanag pa ni Gonzales na kung hindi aniya mako-convict si Corona sa ebidensyang inilatag sa Article 2 ay malabong mai-convict ito sa Article 3 at 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply