Pagbibitiw ni Cadiz ‘di biglaan – M’cañang

HINDI biglaan ang pagbibitiw sa puwesto ni Solicitor General Jose Anselmo Cadiz.

Ani Pangulong Benigno Aquino, nauna na silang may kasunduan ni Cadiz na pansamantala lamang siya sa posisyon.

Dagdag pa ng Chief Executive na kapag naayos na ang problema at maipatupad ang mga reporma, hiniling ni Cadiz na babalik din siya sa pribadong buhay.

Labis naman ang pasasalamat ng Punong Ehekutibo kay Cadiz at kinilala ang kanyang mga naimbag sa pagbabago.

Tinukoy nito ang pagkapanalo ng Pilipinas sa mataas na hukuman ng Singapore kaugnay sa kaso ng PIATCO.

Nauna nang kumalat ang mga balitang pinaalis si Cadiz bilang SolGen dahil sa wala itong naipanalong kaso ng gobyerno lalong-lalo na sa Truth Commission.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply