Pagbibitiw ni Llamas tinanggihan ni PNoy

MAKARAAN ang pagkalat ng kontrobersiyal na video ni Presidential political adviser Ronald Llamas habang namimili ng pirated DVDs sa isang mall sa Quezon City ay inamin nitong tinangka din niyang magbitiw na sa pwesto.

Nabatid na nitong Biyernes ay personal na sinabi ni Llamas kay Pangulong Benigno Aquino III na magbibitiw na siya sa pwesto, matapos humingi ng paumanhin sa pangulo pero tinanggihan iyon ni PNoy.

Sinabi aniya ni PNoy sa kanya na buo pa ang tiwala ng pangulo sa kanyang kakayahan at walang kinalaman sa kanyang trabaho ang kanyang nagawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply