Pagbibitiw ni Solicitor Gen. Cadiz kinumpirma

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na nagbitiw na sa posisyon si Soliticitor General Jose Anselmo Cadiz.

Sa isang text message, kinumpirma ni de Lima nitong Lunes ang ginawang resignation ni Cadiz noon pang Biyernes.

“Yes. He personally tendered his letter of resignation to the President last Friday… I know he wants to go back to private practice,” ayon sa mensahe ni De Lima.

Ayon pa kay de Lima, nakatakdang maglabas ang Palasyo ng opisyal na anunsyo tungkol dito.

Kinumpirma rin ni Edwin Lacierda nitong Lunes ang pagbibitiw ni Cadiz.

“We confirm that Sol Gen Cadiz has resigned. We will issue a statement today,” ayon naman kay Lacierda.

Si Cadiz ay ang 45th Solicitor General ng bansa. Siya ang dating National President ng Integrated Bar of the Philippines.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply