Pagbibitiw sa pwesto, ipinaubaya kay Naguiat

IPINAUBAYA na ng Malakanyang kay Pagcor chairman Bong Naguiat ang pagpatol sa panawagan ng ilang sektor na magbitiw na siya puwseto o kaya ay maghain ng leave of absence.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang mahalaga sa kanila ay may ginagawa nang imbestigasyon laban kay Naguiat na iniutos mismo ni Pangulong Benigno Aquino III.

Si Naguiat ay nasangkot sa usapin ng suhulan upang paboran ang Japanese gambling magnate na si Kazuo Okada.

Nakiusap si Usec. Valte sa publiko na huwag munang pangunahan ang imbestigasyon at hayaang maipaliwanag ni Naguiat ang kanyang panig at masuri ng Cabinet-level group na pangungunahan ni Executive Sec. Paquito  Ochoa Jr.

Nauna rito, sinibak na sa Wynn Resort Ltd. si Okada matapos ang nasabing kontrobersya.

Si ret. Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz ay nananawagan kay Naguiat na mas mabuting magbitiw na lamang sa puwesto dahil sa kahihiyang dulot sa Aquino administration.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply