Pagcor itinangging tumanggap ng suhol

NILINAW ng  kasalukuyang pangasiwaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na walang katotohanan ang naglabasang ulat na tumanggap ng malaking halaga ng salapi ang ahensiya para makapag-operate sa Pilipinas ang Japanese gambling tycoon na si Kasuo Okada.

Ito ang naging reaksiyon ni Pagcor Chairman at CEO Cristino Naguiat, Jr. sa ulat na nakakuha ng provisional gaming license si Okada sa Pilipinas  para mag-operate ng integrated resort at casino sa Maynila kapalit ng regalo sa mga opisyal ng Pagcor na umaabot umano sa halagang US$110,000 cash gifts kahit  ayaw ito ng  co-founder ni Osaka sa Wynn Resorts na si Steve Wynn .

Binigyang diin ni Naguiat na inaccurate at walang basehan ang ulat na ito dahil wala silang natatanggap na pera o in kind sa ilalim ng kanyang pangasiwaan.

Sa katunayan aniya, nagpaabot pa ng paumanhin si Okada sa pamunuan ng Pagcor dahil sa pagkakadawit ng kanyang tanggapan sa gusot ni Okada at  ni Wynn  hinggil sa kanilang hindi pagkakaunawaan sa pagkakaroon ng casino development sa Pilipinas na pinag-uusapan ngayon sa Las Vegas.

Batay sa record ng Okada’s group, ang US$110,000 na nailaan nito sa mga business associates ay hindi lamang sa Pilipinas nagamit  kundi sa iba pang mga bansa mula 2008 hanggang 2011.

Nilinaw ni Naguiat na  kung may malaking nagastos ang grupo ni Okada sa Pagcor noong taong 2008 hanggang taong 2010, ang tanging makakasagot lamang nito ay si dating Pagcor  Chairman  Efraim Genuino.

Binigyang diin ni Naguiat na bagamat may naipagkakaloob na complimentary accommodations sa mga casino executives sa mga gaming destination , ito anya ay  bahagi ng  standard industry courtesy at reciprocity at naipagkakaloob din ito ng Pagcor sa  mga casino executives na nagtutungo ng Pilipinas .

Bagamat mayroon anyang complimentary accommodations ang Wynn Resorts ,hindi  anya ito makakagastos ng halagang  US$110,000 mula Hulyo  2010 hanggang sa kasalukuyan  dahil mayroon lamang tatlong official visits ang nagawa ng mga PAGCOR executives sa Macau at Las Vegas. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply