Pagdalaw ni GMA kay Rep. Iggy oks sa Kamara

PINABORAN ng liderato ng Kamara de Representantes na makadalaw si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa burol ng bayaw nitong si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo.

Ani House Majority Leader Neptali Gonzales II, hindi sila kontra sa apela ng kampo ni Ginang Arroyo na makapunta sa burol ng pumanaw na bayaw, sa oras na mailipad na ang mga labi nito sa bansa mula sa London.

Paliwanag pa ni Gonzales na wala namang masama kung sa huling pagkakataon ay makita ni Gng. Arroyo ang kapatid ng asawang si Atty. Mike Arroyo.

Aniya, hindi pa naman convicted and dating Pangulong Arroyo at sa kanyang pagkakaalam ay sa Pebrero 20 pa magsisimula ang paglilitis sa kasong electoral sabotage na kinakaharap nito kaugnay sa umano’y dayaan sa halalan noong 2004.

Sa kabila nito, aminado si Gonzales na ang korte pa rin ang magpapasya kung papayagan si Gng. Arroyo na makalabas sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at makapunta sa burol ni Rep. Iggy.

Umaasa naman ni House Minority Leader Danilo Suarez na papayagan ng Pasay City Regional Trial Court ang dating Pangulo.

“Palagay ko pagbibigyan naman siya (GMA). Kung hindi siya payagan palagay ko hindi na tama,” giit pa ni Suarez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply