Pagdukot sa 2 European sinisiyasat ng pulisya

SINISIYASAT na nang pulisya ang posibilidad na maaring mga lokal na residente ng Tawi-Tawi ang dumukot sa dalawang dayuhan noong nakaraang Miyerkules.

Ayon kay Senior Supt. Rodelio Jocson, hepe ng Tawi-Tawi PNP, sinunog ang isa sa bangkang ginamit ng mga kidnappers para hindi makilala ang may-ari nito.

Natagpuan ang sinunog na bangka sa bayan nang Languyan samantalang isang bangka naman ay nakita sa bayan nang Panglima Sugala.

Maaari aniyang layon pagkakitaan ng kidnappers Ang mga dayuhan na namalagi sa Tawi-Tawi nang dalawang linggo para sa birdwatching.

Nauna nang nagpahayag ang AFP na sentro rin ng imbestigasyon kung Abu Sayyaf ang nasa likod ng pagdukot.

Sa ngayon nakaantabay ang mga awtoridad sa pagkontak ng mga kidnappers.

Patuloy naman ang intelligence gathering kung nakalabas na ba ng Tawi-Tawi at kung nasa Sulu na ang mga kidnapper kasama ang mga biktimang sina Ewold Horn at Lorenzo Vinzi-guerra. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply