Paghihiganti

MAHIRAP sundin ang turo na “Mahalin mo ang iyong kaaway.” Napakahirap mahalin ang isang tao na nagdulot sa iyo ng sama ng loob. Napakahirap patawarin ang taong nagpahirap sa iyo nguni’t may mga pagkakataon na mananaig pa rin sa kalooban mo
na ang magmahal sa kaaway at magpatawad ay ang tamang gawin.

Drayber si Gani ng amo niyang si Mister Chan. Araw araw ay puro pagmumura ang inaabot ni Gani sa amo niya. Madalas din na malipasan ng gutom si Gani dahil hindi siya pinakakain ng amo niya. Maliit din ang sahod ni Gani. Kulang na kulang para sa kaniyang pamilya. Tiniis ni Gani ang lahat ng ito sa mahabang panahon.

Walang pamilya si Mister Chan at nag-iisa sa buhay. Puro negosyo ang nasa isip niya at ang tanging si Gani lang ang nagtiis at nagtagal sa malupit na si Mister Chan.

Minsan ay sukdulan sa bato ang tinanggap na mura ni Gani galing sa amo niya nang di sinasadyang magasgasan ang kotse nito. Ang masama pa ay ibinawas pa sa sweldo niya ang magagastos dito.

Nagdilim na ang pag-iisip ni Gani. Sobra na si Mister Chan. Napakasama ng ugali.

“Gaganti ako sa ‘yo!” ang sabi ni Gani sa kaniyang sarili. Isang araw ay nabuo na ni Gani ang madilim niyang balak. Pinagplanuhan niyang patayin ang amo. Dahil sa madalas matulog sa kotse si Mister Chan ay doon niya ito titirahin.

Ngunit tila iniwas gumawa ng masama si Gani dahil noong araw na plano niyang tirahin ang amo ay nakita niyang nakabulagta si Mister Chan. Agad nawala sa isip niya ang masama niyang balak at isinugod niya sa ospital ang amo. Ngunit DOA (dead on arrival) na si Mister Chan.

Walang kilalang kamag-anak si Gani kaya siya mismo ang umasikaso sa bangkay hanggang sa burol nito. Hindi alam ni Gani ang gagawin niya pero imbes na mapoot siya sa amo ay naawa siya sa kaniya dahil walang umasikaso sa kaniya.

Sa lamay ay siya lang ang nandoon. Naisip ni Gani na ganito pala ang taong walang nagmamalasakit o nagmamahal. Sa huling hantungan, mag-isa ka. Walang dadamay o makikiramay sa pagkawala mo.

Ilang oras ang lumipas at may kauna-unahang tao ang dumalaw sa lamay. Ang abogado ni Mister Chan. Siya pala ay pinagbilinan ng lahat kung mamatay siya.

Matapos malibing ang amo ay pinatawag si Gani ng abogado at laking gulat ni Gani na lahat ng iniwang ari-arian ni Mister Chan ay sa kaniya ipinamana.

Sinuklian ni Mister Chan ang pagtitiis ni Gani.

Humingi ng tawad si Gani sa Diyos dahil sa kaniyang plano laban kay Mister Chan.

Hindi sinarili ni Gani ang mana. Nagtayo ito ng foundation at ipinangalan sa amo para tumulong sa mahihirap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply