Pagiging dancer ni misis ‘di kinaya: Mister nagbigti

HINDI nakayanan ng isang lalaki ang matinding panibugho at ang isiping sumasayaw sa ibabaw ng kandungan ng ibang lalaki ang kanyang misis na isang night club dancer kaya nagpasya itong wakasan na lamang ang kanyang buhay sa lungsod ng Butuan sa ulat ng pulisya kahapon (Pebrero 9).

Ayon sa report nakabitin at wala nang buhay nang madiskubre ang bangkay ng biktima na kinilalang si Bernardo Bilbao, 32-anyos , residente ng Purok 8, Slaughter, Brgy. Obrero ng nasabing lungsod bandang ala-1:30 ng hapon.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Butuan City Police Station 2, isang araw bago ang pagpapakamatay ng biktima, ay inihinga ng biktima ang kanyang sama ng loob sa kanyag mga kapatid matapos na makita ang misis na may kasamang ibang lalaki.

Sinasabing nakita pa kamakalawa ng umaga na nasa labas lang ng bahay ang biktima subalit ng pumasok ito ng bahay ay hindi na muling lumabas.

Dahil dito pinasok ng kapitbahay ang tirahan nito at tumambad sa kanila ang nakalambitin na bangkay ng mister.

Hindi naman kaagad nakunan ng pahayag ng mga pulis ang misis ng biktima na pinaghihinalaang may ibang karelasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply