Pagkalkal sa bank records ni Corona hinarang

HINARANG ng Defense panel ang kahilingan ng House prosecution panel na kalkalin ang bank records ni Chief Justice Renato Corona sa Philippines Savings Bank na kung saan nagwagi ang punong mahistrado ng P1 milyon sa PS Bank Monthly Raffle Promo noong 2008.

“At the outset, it bears stressing that the requested documents pertaining were not pre-marked and have not been mentioned in the proceedings thus far, or in the very least, there is no indication thereof,” ayon sa panig ng depensa.

Kahapon (Martes, Enero 31), naghain ang prosecution panel ng isang kahilingan na ipatawag ang bank manager ng PS Bank sa Makati City upang isumite sa impeachment court ang original at certified true copies ng specimen signature card ng bank account na nanalo ng isang milyon sa PS Bank Monthly Million Raffle Promo kabilang ang buwanang bank statements simula nang buksan ang account hanggang Enero 2012 at iba pang bank records ng mag-asawang Corona.

Ayon pa sa depensa, batay sa hiniling na subpoena ng prosekusyon ay malinaw na saklaw ito ng usapin ng umano’y ill-gotten wealth na tuluyan nang tinanggihan ng impeachment court dahil hindi kabilang sa walong article of impeachment na inihain laban sa punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply