Pagkamatay ng OFW na pabalik ng Pinas iimbestigahan

NAGSASAGAWA na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng isang Overseas Filipino worker (OFW) mula sa Syria habang naghihintay ng eroplano pabalik sa Pilipinas.

Sa isang kalatas, bagama’t hindi kinilala ni DFA Undersecretary Esteban Conejos Jr. ang biktima, sinabi nito na nadala pa ang OFW sa Mujtahed Hospital sa Damascus noong Pebrero 22 habang hinihintay ang eroplanong magbabalik sa biktima, kasama ang 11 OFW, pabalik ng Pilipinas.

Renal failure ang dahilan ng pagkamatay ng biktima, dagdag pa ni Conejos.

Nauna nang ibinulgar ng militanteng grupong Migrante International na namatay ang OFW habang bumabiyahe patungong Abu Dhabi at pabalik ng Pilipinas.

Ayon sa Migrante, tumanggap sila ng ulat na nasa pangangalaga ng isang opisyal ng Overeeas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ang biktima habang iba naman ang ipinahayag ng kasama ng OFW na nakabalik na sa bansa.

Batay sa panayam kay Lorelie Cortez, 37, isa sa 11 OFW na bumalik noong Pebrero 23, iniwan sa pangangalaga ng mga immigration official ng Abu Dhabi ang maysakit na kababayan.

Ipinagtaka rin ng Migrante kung bakit pinayagan ng mga opisyal ng embahada sa Damascus na payagan ang may sakit na OFW na bumiyahe nang walang kasamang medical staff.

Sinabi naman ni Conejos na sinisiyasat na ng embahada at ng Philippine honorary consul sa Aleppo ang insidente at inaasahan na isusumite ang resulta kay DFA Secretary Albert del Rosario.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply