Paglikha ng trabaho pinatututukan kay PNoy

IPINAALALA ni Sen. Francis “Chiz” Escudero kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na kailangan nang simulan at tutukan ng kanyang administrasyon ang paglikha ng trabaho sa harap ng lumolobong bilang ng college graduates na walang hanapbuhay.

Sa pahayag ngayong araw, sinabi ni Escudero na dapat nang simulan ni Pangulong Aquino ang pagpokus sa paglikha ng trabaho dahil aabot sa mahigit 700,000 bagong graduates ang papasok sa labor market bukod pa sa 564,000 college graduates ang walang hanapbuhay.

Sinabi pa ni Escudero na galing sa Commission on Higher Education (Ched) at Department of Labor and Employment (Dole) ang naturang datos na nagkukumpirma na mas dumadaming edukadong Filipino ang nahihirapang humanap na trabaho sa bansa. “Siyempre, wala silang ibang pagtutuunan kundi magtungo sa abroad kahit kumokonti ang bilang ng pangangailangan sa ibang bansa,” paliwanag ni Escudero.

Ayon pa kay Escudero, kailangan ang mabilisang pagtugon sa kawalan ng hanapbuhay dahil nagsisimula nang mawalan ng opurtunidad ang mga overseas Filipino worker sa ibang bansa sanhi ng kaguluhan sa Gitnang Silangan at patuloy na pagbagsak ng ekonomiya sa United States at Europe.

“Add to these is the number of discouraged workers or those who stopped looking for work believing that there is no more available vacancy as well as unpaid family workers, and the number becomes bigger. Government must implement a spending program to stimulate employment in response to this,” dagdag ng senador.

Dahil dito, muiling iginiit ni Escudero ang kanyang panukala na kaagad simulan ang mga pampublikong proyekto kabilang ang skills development na popondohan mula sa pambansang gastusin at magtakda ng job-benchmarking sa bawat pisong gagastusin mula sa buwis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply