‘Pagmumura’ ni Miriam inalmahan ni Aguirre

KUSANG lumabas ng plenaryo matapos aminin ni Atty. Vitaliano Aguirre II, isa sa private prosecutors sa impeachment trial na sadya niyang tinakpan ang kanyang tenga habang nagsasalita si Senator-judge Miriam Defensor-Santiago.

Inamin ni Aguirre na sumakit ang kanyang tenga sa patuloy na pangmamaliit at pagmumura ni Senadora Miriam Defensor-Santiago.

Si Aguirre na nahaharap sa contempt ay naging abogado ni Hubert Webb sa kasong pagpatay laban sa mga Vizconde.

Nairita si Senador Jinggoy Estrada nang makita si Aguirre na nagtatakip ng tenga subalit minarapat pa rin ni Senate presiding judge Juan Ponce-Enrile na makapagpaliwanag si Aguirre bago lumabas ng plenaryo.

“Aalis na nga po ako.” Ayon kay Aguirre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply