Pagpapakain ng solon, pinagkakakitaan ng staff o caterer

MUKHANG may kumikita o nagdididal sa pagpapakain ng mambabatas sa mga miyembro ng media sa Senado.

Ang tanong tuloy, sino ang kumikita, ang staff kaya ng mambabatas o ang mismong caterer nito?

Sa sumbong na ipinaabot kay matang kuwago ng Remate biruin mo ba namang pakainin ng tatlong pirasong meat balls at isang balot na kanin ang bawat miyembro ng media.

Inakala nga ng isang miyembro na sa turo-turo siya kumakain o kaya naman ay nasa isang shooting ng pelikula dahil sa dating ng pack lunch.

Hindi sa nagrereklamo ang miyembro ng media subalit napag-alaman na ang budget na inilaan sa bawat media ay P80 at kung minsan ay nasa mahigit sa P100.

Wala naman sanang problema sa kahit anong ipakain basta ang mahalaga ay maayos naman ang presentasyon at hindi sobra-sobra kung pagkakitaan.

Biruin mo ba naman na may kita na ang caterer, may kickback pa ito sa bawat meal.

Iyon ay kung siya ang kumikita at kung yung staff naman ay tiba-tiba talaga ito.

Ang malupit, hindi pangalan ng staff o ng catere rang nakataya kundi ang mismong pangalan ng mambabatas na nagpapakain sa media gayong kilala ito sa pagiging galante.

Patunay nito ang binigay na pa-raffle sa nakalipas na Christmas party ng movie press.

Ipagpalagay na natin na P35 ang order ng meatball, P10 ang kanin at P7 ang softdrinks,di ba P52 lang lahat o di ang laki ng kinita nito.

Hindi rin lang ito ang unang beses na nireklamo ang caterer ng mambabatas dahil
sa marami nang beses na palpak ang pagkaing sine-serve nito.

Patunay ang pagiging malansa kung minsan ng pagkain, pagkamatigas ng karne at maging ang klase ng desert ay tila binili lang sa kanto.

Sayang naman kasi at mambabatas ang nagpapakain, di ba nakahihiya iyon?

Ang mambabatas na nagpakain ng meatballs na bilang na bilang ay lalaki at may letrang B sa kabuuan ng kanyang pangalan as in babaero katulad ng kanyang ama.

Kung artista o hindi balaha na kayong mag-isip pero iisa ang lang tiyak ko hindi lang iisa ang pagkain at umibig sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply