Pagpapalaya sa namaril na BOC official kukuwestiyunin

MAGHAHAIN ng mosyon sa Pasay City Prosecutors Office ang pamilya ng dalawang kabataang biktima ng pamamaril ng lalaking nagpakilala umanong opisyal ng Bureau of Customs (BOC) upang hilingin na baligtarin ang inilabas na desisyong pawalan ang mga suspek.

Ang naturang hakbang ay makaraang iutos ni Assistant City Prosecutor Orlando Mariano sa pulisya na pawalan sina Paulino Elevado IV, 44, residente ng Block 4 Lot 7 California Exclusive BF Homes, Las Piñas City at Florencio Bato, Jr, 49 ng 24 Cherry Blossom St., Equitable Village, Las Piñas City na umano’y nagpakilalang opisyal ng BOC, dahil wala umanong intensyon ang mga ito na patayin ang mga kabataang biktima.

Ang dalawa ay sakay ng kotseng Porsche na may plakang JOE 911 nang habulin at pagbabarilin ang dalawang kabataang sakay ng puting Toyota Innova na may plakang ZKA-779 na sina Christopher Vercelles, 20 ng 307 Molave Drive, Ayala Alabang Village, Muntinlupa City at Godwin Dimaunahan, 26 ng Blk 1 Lot 3 Phase 3 Console Village, San Pedro, Laguna noong Enero 21 ng madaling araw.

Nag-ugat ang pamamaril matapos mabangga ng Innova na minamaneho ni Vercelles ang Porsche na minamaneho naman ni Elevado sa bahagi ng Magallanes sa Makati City dakong alas-4:30 ng madaling araw.

Bumaba ng sasakyan sina Vercelles upang makipag-ayos kina Elevado subalit sinuntok at naglabas ng baril ang suspek kaya’t napilitang sumakay muli sa kanilang sasakyan ang dalawa at nagmadaling tumakas palayo sa lugar.

Hinabol nina Elevado ang Innova at pinaputukan ng dalang kalibre .40 pistola hanggang sa makarating ang habulan sa Marriot Hotel sa Pasay City kung saan binangga pa ng kotse ang delta barrier ng hotel at muling pinaputukan ang van ng dalawang biktima.

Nakatawag pansin naman sa mga security guard at mga nagrorondang pulis ang nangyaring pamamaril kaya’t nadakip ang dalawa at nakumpiska ang baril na ginamit sa pamamaril.

Gayunman, nadismaya ang mga imbestigador na sina PO3 Rodolfo Suquina, Jr. at PO3 Mariano Pata ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay Police nang matuklasan nila na iniutos ng piskal ang pagpapalaya sa dalawa kinabukasan kahit araw ng Linggo, Enero 22.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply