Pagpiyok ni Fariñas, no effect sa impeachment

WALANG epekto ang pagpiyok ni Deputy Lead Prosecutor Rodolfo Fariñas na depektibo ang Articles of Impeachment laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang importante ay ang nilalaman ng Articles of Impeachment.

Matatandaan na sa isinagawang impeachment trial kahapon ay umamin si Fariñas na hindi maganda ang pagkakagawa ng reklamo na siya mismo ay hindi pumirma.

Sinabi ni Usec. Valte na  malinaw din ang reklamo dahil nakasagot nga si Chief Justice Corona.

Sa kabila ng mga usaping ito ay  nananatili pa rin ang tiwala ng Malakanyang sa panig ng prosekusyon.

“Rep. Fariñas emphasized that the substance of the complaint is more important than form,” diing pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply