Pagreretiro ni Pacquiao sa boksing oks sa CBCP

LUBOS ang katuwaan ng Catholic bishops sa desisyon ni Sarangani Representative at Pinoy boxing champ Manny “Pacman” Pacquiao na tuluyan nang magretiro sa kanyang boxing career.

Matatandaang nagdesisyon si Pacquiao na magretiro sa boxing matapos ang kanyang laban kay Timothy Bradley para sa WBO Welterweight title sa Hunyo 9, 2012, para pagtuunan ng pansin ang pagiging Representative ng Sarangani at pagiging Bible Minister ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, napakaganda at makabuluhan ang desisyon ng Pambansang Kamao na una na niyang iminumungkahi sa boksingero.

Sinabi ng obispo na mayroon namang sapat na yaman si Pacquiao at napapanahon nang tutukan nito ang pagbabasa ng Bibliya at tulungan ang kanyang constituents na mapayabong ang moralidad at maiahon sa kahirapan.

Sinang-ayunan din ni Gutierrez ang pahayag ni Pacquiao na hindi magandang nagpapahayag siya ng Salita ng Diyos gayong nananakit siya ng kapwa boksingero sa boxing ring.

Kumpiyansa naman si Pampanga Auxiliary Bishop Pablo Virgilio David, chairman ng Episcopal Commission on Bible Apostolate ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na makakatulong sa pagiging Bible minister ni Pacquiao ang pagreretiro sa pagboboksing.

Ayon kay David, lubos ang kanyang kasiyahan sa kahandaan ni Pacman na magretiro para ihayag ang Salita ng Diyos.

Maituturing aniyang isang modelong Katoliko si Pacquiao dahil sa kanyang pagnanais na mabago ang pagkatao sa ngalan ng Bibliya, una sa kaniyang pag-iwas sa sugal, at ngayon sa boxing.

Para naman kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na mabuting balita ang pagbabalik-loob ni Pacquiao sa Panginoon.

Ayon kay Cruz, napakaganda at magandang halimbawa sa ibang mananampalataya ang pagbabago ni Pacquiao dahil sa kanyang pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply