Pagsambulat ng suhulan malaking sampal sa Senado

NOONG Linggo ng gabi, niyurakan ng depensa  sa Impeachment Trial  ni Supreme
Court Chief Justice Renato Corona ang mga miyembro ng mga Senado.

Sa tono at pananalita pa lang ng mga abogado  ni CJ Corona, mistulang sila mismo ang nakasaksi sa suhulang kanilang nais ipapaniwala sa publiko.

Pero nang iginisa sila ng mga senator-judge ay animo’y mga maaamong tupa ang mga ito sa paghingi ng dispensa.

Nalagay tuloy  sa alanganin ang Senado sa ginawa nilang paratang sa impeachment court.

Kung ako ang tatanungin dapat ay parusahan ang mga abogado ni CJ Corona kung hindi nila maipaliwanag sa plenaryo ang isyung suhulan.

Ang sabi nga ni Senator Judge Allan Peter Cayetano hindi sapat ang ‘sorry’ sa salitang nabitawan  na.

Maging ang bayan ay naiinip nang  hinihintay ang  isu-sumite nilang paliwanag hinggil sa isyu.

Sa pagsisinungaling naman ni Corona sa kanyang SALN sa loob ng maraming taon ay paulit-ulit nitong itinanggi ang pagmamay-ari niya ng mga condominium at santambak na pera na nakaimbak sa iba’t ibang bangko.

Mantakin ninyo dalawang bangko na may 10 accounts sa dalawang klaseng deposito ng peso at dolyares.

Kung isasabay ang pagsisinungaling ng kanyang mga abogado noong Linggo,  siguro nama’y hindi na masamang gamitin sa kanila ang mga mapag-imbentong abogado ni Corona.

UNTOUCHABLE SA QC DAHIL KAY MAYOR

Ibang klase na po itong operasyon ng lotteng ni LITO MOTORS sa Quezon City. Mas lumawak na ang operasyon nito dahil bukod sa QC ay target nitong pasukin ang Marikina City. Halos buong barangay sa Kyusi ay napasok na ni LITO MOTORS sa tulong ng kanyang alalay na pulis na kinilalang PO1 Jing Asinas.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply