‘Pagsanib’ ng El Shaddai aprub sa INC

BUKOD sa security preparation na ikinakasa ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police ay nagsimula na ring maglatag ang Manila Police District ng kaukulang seguridad sa nakatakdang pagbuhos ng mga kasapi ng Iglesia ni Kristo sa lungsod ng Maynila makaraang ihayag ng kapatiran na bukas sila sa pagsama ng El Shaddai sa kanilang gagawing Evangelical Mission sa Martes.

Ayon kay Kapatid Art Yanga  isa sa mga lider ng Iglesia ni Kristo na nakipag-ugnayan kay Manila Mayor Alfredo S. Lim at sa buong pamunuan ng PNP-MPD, wala silang itinatago sa posibleng pagsama ng El Shadai dahil talaga namang ipinangungumbida nila ito.

Subalit nilinaw nito na hindi isang political activities o prayer rally ang kanilang ilulunsad kundi isang evangelical mission at walang kaugnayan sa isyu ng impeachment case laban kay CHIEF Justice Corona.

Napag-alaman pa na isa sa mga concerned ng Iglesia ni Cristo bukod sa seguridad ay ang mahaluan ang kanilang hanay ng mga militanteng grupo o mga mapanggulong pangkat na siya’ng dapat banatayan ng mga pulis.

Nangako naman si Lim na titiyaking magiging mapayapa ang gagawing pagtitipon ng mga kapatid mula sa INC kaya pinulong nito ang lahat ng MPD Station commanders upang makapaglatag ng kaukulang security blanket gayun din ang pagtatalag ng mga standby ambulance para sa inaasahang pangangilangan ng tinatayang may 100 libong kasapi na dadalo.

Samantala, inihayag naman ni AFP Spokesman Col Arnulfo Burgos na nakahanda silang magtalaga ng 2,000 standby force para ayudahan ang PNP-NCRPO kung kakailanganin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply