Pagtaas ng PhilHealth contribution pinaiimbestigahan

MAHIGPIT na tinututulan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang plano ng Health Insurance Corp. (PhilHealth) na itaas sa 167 percent ang contribution ng mga miyembro nito, na magiging epektibo sa kalagitnaan ng taon.

Dahil dito, nais ni Pimentel na magsagawa ng imbestigasyon sa napakalaking karadagang bayad ng mga miyembro ng PHilHealth sa kanilang premium payment.

Nakapaloob sa Senate Resolution 701 na inihain ni Pimentel, hiniling nito sa Senate committees on government corporations and public enterprises, health and demography, gayundin sa iba pang kinauukulang komite na siyasatin “in aid of legislation” ang malaking pagtaas ng PhilHealth contribution.

Iginiit ng senador na dapat na ipaliwanag ang PhilHealth ang dahilan ng kanilang pagtataas sa contribution ng mga miyembro nito na  magiging P2,400 mula sa P900 na annual membership premium na magiging epektibo sa Hulyo 1, 2012.

“Various sectors of the country oppose the huge increase in their premium contributions and criticize the lack of consultation and dialogue by PhilHealth with its members, especially overseas Filipino workers (OFWs),” diin ni Pimentel.

Napag-alaman na sinimulan n ng Philhealth ang kanilang pagtataas premium sa mga OFW at self-employed na kung saan ay umaabot na sa P1,200 ang kanilang annual contribution na nagsimula noong Enero ng taong kasalukuyan

Sa resolusyon ni Pimentel, iginiit nito ang Article 2, Section 14 ng Saligang Batas na nakasaad na: “the State shall protect and promote the right to health of the people and instill health consciousness among them.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply