Pagtalakay sa Article 2 ‘di pa matatapos- Angara

SA PANG-11 araw ng impeachment court, sinabi ni Aurora Rep. Sonny Angara, tagapagsalita ng prosekusyon na posibleng abutin pa ng ilang araw bago matapos ang pagtalakay sa article 2 ng walong nakahaing Article of Impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sa simula ng paglilitis ngayong hapon ay ipinaabot ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., lead prosecutor na apat na testigo ang ihaharap ng prosekusyon sa impeachment court.

Ito ay upang mapatibay ang alegasyon ng prosekusyon ukol sa hindi pagtutugma sa ari-arian ni Corona at ng kanyang SALN.

Naunang sinabi ng prosekusyon na tatapusin nila ang Article 2 sa linggong ito subalit muli itong humingi ng palugit.

Aminado si Angara na kakailanganin pa nila ng extension ng isa o dalawang araw para matapos ang Article 2 na susundan ng pagtalakay sa Article 3.

Ipaliwanag ni Angara, na nakulangan sila ng oras at may delayed sa presentasyon ng mga testigo dahil sa ilang mga dagdag na dokumento na hinihiling ng impeachment court na dalhin ng mga testigo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply