Pagtapyas sa articles of impeachment pinuri

PINURI ng minority bloc ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang naging hakbang ng House prosecution team sa pagbasura sa lima sa walong articles of impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona.

Kapuri-puri ayon kay House Minority Leader Rep. Danilo Suarez ang naging rason ng prosecution na nais na nilang wakasan ang pagkakawatak-watak na dulot ng impeachment kaya dapat nang paiksian ang nasabing pagdinig laban kay CJ Corona.

“We can only welcome the return of common sense to our colleagues and an early end to this ugly, partisan exercise, one that has already taken up so much legislative time in both the Senate and the House, as well as putting at risk the reputation, not only to the Chief Justice, but even of our colleagues in the prosecution,” pagtutukoy ni Suarez.

Kaugnay nito, hiniling na rin ng minorya ayon kay Suarez sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries na imbestigahan ang sirkumstansya sa likod ng umano ay paglabas ng maituturing na confidential documents ng Philippine Savings Bank sa mga prosecution panel.

Kailangan aniyang magsagawa ng malawakang imbestigasyon kung saan ay isama rin ang mga kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas at AMLA [Anti-Money Laundering Council].

Dapat aniyang wakasan na ang ilang motibo sa anumang imbestigasyon upang mabigyang proteksyon ang pangalan ng sistema ng pagbabangko sa bansa maging ang mga depositor nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply