Pagtatakip ng katotohanan

TINAPOS na ng panel of prosecutors ng House of Representatives ang paglilitis nila kay Chief Jusice Renato Corona.

Sa madaling salita, nagpahinga na ang mga prosecutor at ngayon naman ay ang depensa ni Corona ang isasalang sa impeachment court.

Maliwanag ang position ng magkabilang panig. Gusto ng prosecutors na malaman ang
katotohanan.

Maliwanag din ang adhikain ng defense panel, ang harangin ang mga ebidensya laban kay Corona.

Makatarungan bang harangin ang ebidensya at ibasura ang mga ito dahil lamang sa kagalingan ng mga abogado ni Corona at kapalpakan naman ng prosecution?

Kaya palpak man o hindi, ang primary consideration natin sa usapang ito ay nagsinungaling ba si Corona sa bayan batay sa kan-yang mga Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN)?

Hindi ba siya nag-declare ng income bilang isang manggagawa ng pamahalaan?

Nagsinungaling ba siya sa kanyang sinumpaang tungkulin? Binaluktot ba niya ang batas nang mag-issue ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order (TRO) para makabiyahe si Gloria Macapagal Arroyo sa ibang bansa?

Sa laki ng kayamanan ni Corona at liit ng kanyang suweldo ay kataka-taka kung bakit ang SALN ay tila yata masyadong balot ng misteryo.

Hindi naman dapat mangyari iyan subalit sumang-ayon ang Senado na huwag bulatlatin ang mga dollar account ni Corona dahil ito raw ay bawal sa batas.

Napakaraming kakampi si Corona. Nangunguna sa kanila ay sina Miriam Defensor Santiago at Joker Arroyo, mga senador.

Hindi ko alam kung anong code of ethics ang pinapraktis ni Miriam; ni hindi ko rin alam kung nag-aral siya sa elementary ng right conduct and good manners.

Ang alam ko lang ay halos pasang awa si Miriam sa Bar.

Ang alam ko, ayon sa mga nabasa ko na, ay tinanggal ni President Cory si Miriam sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga kadahilanang madali naman ninyong malalaman kung magre-research lamang kayo.

At ang mga Defensor ay naging kaalyado ni Gloria noong siya ang Pangulo ng bansa.

Si Joker, bakit pro-Gloria yata samantalang batang Cory ang kinatawan ng Forbes Park na walang iba kundi siya mismo, si Joker mismo!

Katotohanan ba ang hanap ni Miriam at ni Joker?

O ang layunin nila ay pagtakpan ang katotohanan?

Bakit lumalabas na ang dalawang ito at ilan pang mga senador ay pro-Corona ganoong sa aking paniwala ay hindi naman ganoon kapopular si Corona sa kanila?

Simple lang po ‘yan. Si Corona ay appointed ni Gloria. So what, eh, ang iba namang justices ay appointed naman ni PNoy.

Malaki po ang pagkakaiba. Si Corona at si Gloria ay nakasakdal sa korte, samantalang si PNoy at ang iba pang mga associate justice ay wala namang kaso sa

anomang korte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply