Pagtestigo ni Sereno hindi na inaasahan ng prosekusyon

IPINALIWANAG ngayon ni lead prosecutor at Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr, na kahit hindi na sila maghahain ng ebidensya at testigo para sa nalalabi pang artikulo gaya ng 1, 4,5,6, at 8 ay magpapahayag pa rin sila ng reserbasyon para sa dollar account document ni Chief Justice Renato Corona.

Hindi na rin pipilitin pa ng prosekusyon na makapagtestigo pa si Supreme Court Associate Justice Ma. Lourdes Sereno para sa Article 7 ukol sa “dissenting opinion” nito sa pag-iisyu ng SC ng temporary restraining order pabor kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Kinumpirma ni Tupas na aabot sa 166 ang dokumento ng prosekusyon na io-offer para sa Article 2 at sa kabuuan ay aabot sa 247 dokumento ang isusumite pa ng prosekusyon para sa Article 2, 3 at 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply