Pagtestigo ni Sereno may epekto sa SC – Miriam

POSIBLENG magdulot ng masamang epekto sa Korte Suprema kapag pinatestigo si Associate Justice Ma. Lourdes Sereno sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona sa isinasagawang impeachment trial.

Ito ang naging reaksyon kanina ni Senator-judge Miriam Defensor-Santiago makaraang hindi magkasundo ang mga senator-judge kaugnay sa pagnanais na pagtestigo ni Sereno.

Nangangamba rin ang senadora na kahit pa umano boluntaryong humarap si Sereno sa impeachment court, maaaring maging dahilan  ito ng pagbabangayan sa publiko ng justices ng SC dahil sa posibilidad na kumuha rin ang depensa ng iba pang mahistrado para kontrahin ang pahayag ng testigo ng prosekusyon.

Ayon naman kay Senador Francis Pangilinan, kailangan si Sereno na humarap sa impeachment court upang maresolbahan na ang itinuturing na hearsay statements ni Justice Secretary Leila De Lima.

Kaugnay ito sa “dissenting opinion” ng mahistrado sa pagpabor ng Korte Suprema sa travel ban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kinontra naman ni Pangilinan ang sinasabing pagharang ng Korte Suprema sa pagtestigo ni Sereno sa impeachment court.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply