Pagtugis ng NPA kay Palparan makakagulo lang

MAKAKAGULO lang sa operasyon ng awtoridad ang pagsawsaw ng New People’s Army (NPA) sa pagtugis kay retired General Jovito Palparan.

Ang katwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na malalagay sa alanganin ang naging kautusan ng pamunuan ng Communist Party of the Philippines na makisali ang NPA sa manhunt operation ng gobyerno kay Palparan.

“Well, it will certainly complicate matters, Mia, because the manhunt or the manhunt so to speak is ought to be purely a law enforcement matter. It should be the law enforcement components of the state that should be—that has the authority to undertake the manhunt and as such should be left to it,” ayon kay Usec. Valte.

Samantala, wala namang problema sa pamahalaan kung mauna ang NPA na matugis si Palparan at magkaroon ng impresyon na kilos-pagong ang awtoridad.

Pero gayunpaman, mas mainam pa rin kung ang awtoridad mismo ang makadakip kay Palparan at hindi ang NPA.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply