PAL officials ipina-subpoena ng prosekusyon

IPINA-SUBPOENA na ng prosekusyon ang mga opisyal ng Philippine Airlines upang tumestigo sa alegasyong tumanggap ng pabor ang mag-asawang Corona mula sa kompanya sa mga biyahe nito sa loob at labas ng bansa.

Sa isinumiteng subpina ngayon ng prosekusyon, ipinapatawag sina Enrique Javier, vice president for sales ng PAL at Ria Carrion Domingo, vice president for product loyalty marketing.

Kabilang sa ipinasubpina o ipinadadala sa mga nabanggit na testigo ang mga dokumentong magpapatunay na nakinabang sa special privileges si Chief Justice Renato Corona at ang asawa nitong si Cristina habang may kaso ang PAL sa Korte Suprema.

Nais ng prosekusyon na iharap sa impeachment court ang “record of issuance” at listahan o paggamit sa PAL platinum cards ng mag-asawang Gorona gayundin ang record ng mga plane tickets nito sa Hong Kong, Singapore, Honolulu at Guam.

Bukod sa PAL officials, ipina-subpoena din muli si Atty. Enriquetta Vidal, clerk of court ng Supreme Court na una ng humarap sa impeachment court at Atty. Felipa Anama, deputy clerk of court kung saan ipinadadala sa mga ito ang kaso ng FASAP at PAL sa SC.

Nakatakdang dumalo sa ika-6 ng Pebrero ang mga ipinatawag na testigo ng prosekusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply