Palasyo ‘di nababahala sa grand rally ng INC

WALANG dahilan para mabahala ang publiko sa di umano’y grand rally ng maimpluwensyang Iglesia Ni Cristo (INC) sa darating na Pebrero 28.

Ang katuwiran ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ay isang Bible exposition ang gagawin ng INC at wala namang impormasyon na isa itong rally.

Nauna nang kumalat ang opisyal na imbitasyon sa kapatiran para sa gagawing grand evangelical mission na gaganapin sa Quirino Grandstand.

Aniya, ito ay isa lamang sa mga aktibidad ng INC.

Matatandaang lumabas sa mga balita na rally talaga umano ang intensyon ng nasabing malaking pagtitipon na inaasahang dadaluhan ng mula dalawa hanggang tatlong milyong taga-sunod.

Sinasabing bukod sa Maynila ay magkakaroon din ng pagtitipon ang kapatiran sa karatig-lugar tulad sa Cavite, Batangas, Tarlac gayundin sa Visayas at Mindanao.

Lumalabas na ang rally tulad ng ginawa sa harapan ng Korte Suprema kamakailan ay pagpapakita ng suporta kay Chief Justice Renato Corona, pagkondena sa umano’y pagpe-pressure ng Malacañang kay ret. Justice Serafin Cuevas para kumalas sa defense panel at pagpapakita ng hinanakit sa sinapit ni dating NBI Director Magtanggol Gatdula. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply