Palasyo dumistansya sa desisyon ng Pasay RTC

PINAUUBAYA na ng Malacañang sa korte ang rekomendasyon sa pananatili ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo nang katigan ng hukuman ang pananatili nito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Batay sa mosyon, kinakailangan pang sumailalim ni Gng. Arroyo sa therapy.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na bahala na ang Pasay City Regional Trial Court (RTC) kung anuman ang magiging desisyon nito sa kalalabasan ng usapin.

Magugunita na sinabi ng mga doktor na kailangang manatili pa sa VMMC si GMA.

Kinatigan naman ng Pasay CityRTC ang mosyon ng dating Pangulong Arroyo kaugnay na rin sa sakit nito.

Samantala, nilinaw naman ng legal head ng Commission on Elections (Comelec) na si Atty. Esmeralda Lagra na ang kanilang rekomendsyon ay ibinabase nila sa mga doktor ng VMMC.

Matatandaang naghain ng mosyon ang Comelec sa Pasay City-RTC para ilipat mula sa VMMC ang dating Pangulo patungo sa regular na selda. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply