Palasyo sa depensa: Patunayan ang paratang

HINAMON ng Malakanyang ang defense team ni Chief Justice Renato Corona na ilutang sa publiko ang kanilang testigo o “reliable source” na magpapatunay sa kanilang paratang laban kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Nagbabala si Presidential spokesman Edwin Lacierda na agad silang magsasagawa ng legal action laban sa defense team kapag hindi napatunayan ng mga ito ang kanilang isiniwalat sa publiko kamakailan.

Sinabi ni Lacierda na malaking insulto sa mga senator-judges na kasama sa impeachment trial ang isinapubliko ng mga ito.

Nang tinanong kung may posibilidad bang maghain ng kaso ang Malakanyang laban sa defese panel ay sinabi ni Lacierda na gusto muna nilang malaman at patunayan ng depensa ang sinasabi ng mga ito.

“So far, wala siyang planong maghain ng kaso sa kanila,” ani Lacierda.

Kamakailan ay inakusahan ng mga abogado ni Corona ang Malakanyang na inutos nito sa mga senator-judge na huwag sundin ang court order sa paglilitis ng punong mahistrado sa Senado kapalit ang P100 milyon.

Kapuwa pinabulaanan naman nina Lacierda at Ochoa ang mga paratang na ito kasabay na rin ng pagtanggi ng isang senador sa nasabing akusasyon.

Nitong Huwebes, inatasan ni Senate President Juan Ponce-Enrile, namumuno sa paglilitis, ang prosecution panel na huwag ihain ang dollar accounts ni Corona bilang ebidensya hanggang mapagkasunduan ng Senado ang desisyon sa TRO.

Iniahayag ni Lacierda na ipinaalam na nila kay Pangulong Aquino ang naturang akusasyon.

Samantala, inihayag ni defense lawyer Jose Roy III na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang reliable source tungkol sa pag-bribe umano sa mga senator-judge.

“Nakatanggap kami ng mas detalyadong information sa ibang source, nagkaroon kami ng suliranin, pinagisipan namin mabuti bakit magsasabi sa amin ang tao,” ayon kay Roy sa bay sabing “Hindi namin pinagdududahan ang [mga] senador … Paniwala ko, hindi magpapasuhol ang mga senador.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply