Palasyo umaasang papayagan ng Senado na tumestigo si Sereno

UMAASA ang Malakanyang na papayagan ng Senado si Supreme Court Associate Justice Maria Lourdes Sereno na humarap sa Senado bilang testigo sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

“We hope that the Senate impeachment court will look into the whole idea of the impeachment court as an avenue for the truth to come out, of course subject to their regulations,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Nauna nang nagpahayag ang prosecutors na gusto nilang tumestigo si Sereno, appointee ni Pangulong Benigno Aquino III sa high court, upang ihayag ang kanyang pagtanggi sa inihaing temporary restraining order laban sa watch list order ng Department of Justice kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“The testimony of Justice Sereno would be welcomed. She will testify as to what she wrote in her dissenting opinion and certainly it is part of the whole process of bringing out the truth in that particular decision on the TRO,” ayon kay Lacierda.

Nauna nang hiniling ni Sen. Antonio Trillanes IV nitong Huwebes sa Senate impeachment court na ipatawag si Sereno upang magkaroon ng paglilinaw sa mga kaganapang bumabalot sa paghain ng TRO, na pumapayag kay Gng. Arroyo, na kasalakuyang humaharap sa kasong electoral sabotage, na lumabas ng bansa noong Nobyembre.

Humingi ng tulong si Mrs. Arroyo, kasalakuyang congresswoman sa second district ng Pampanga, sa SC laban sa watch list order na inihain laban sa kanya ng DOJ upang pahintulutan siyang magpagamot sa ibang bansa para sa kanyang bone mineral disorder.

Sinabi naman ni Senate President Juan Ponce Enrile nitong Lunes ang pagbawi ni Trillanes ng kanyang mosyon.

“The motion of the gentleman from Caloocan and Bicol to use the remedy of written interrogatories to get the testimony of the honorable Justice Lourdes Sereno of the Supreme Court has been withdrawn,” ang pahayag ni Enrile.

Nakasaad sa Article VII ng reklamong impeachment ang “betrayal of public trust” ni Corona sa kanyang “partiality in granting a TRO in favor of former President Arroyo and her husband Mike in order to give them an opportunity to escape prosecution and to frustrate the ends of justice, and in distorting the Supreme Court decision on the effectivity of the TRO in view of a clear failure to comply with the conditions of the SC’s own TRO.”

Kumbinsido si Lacierda na maipapakita ng magiging testimonya ni Sereno ang unilateral action ni Corona sa inihaing TRO. Idinadawit si Corona kay Gng. Arroyo na humirang sa kanya sa SC noong 2002 at bilang chief justice noong 2010.

“That should be brought to light and by way of testimony. It is something that we would hope that Justice Sereno will be able to testify and to shed out the truth in that TRO deliberations in the SC,” ang pahayag nito.

Suportado ng Malakanyang ang desisyon ng House prosecution team na tapusin ang kanilang presentasyon matapos ang anim na araw na paglilitis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply