PALEA may bagong suporta

ANG demanda kay Chief Justice Renato Corona ay ang bintang na nilabag niya ang Saligang Batas nang hindi niya ibinunyag ang kanyang totoong statement of assets, liabilities and MAY sumulpot na namang kakampi ang Philippine Airlines Employees Association (PALEA) at hindi ito pipitsugin.

Ang totoo nito, mga ‘tol, ay literal na stateside (hindi dahil sa dinidiyos natin ang anomang imported o mula sa Tate).

Ang ating tinutukoy ay ang, the Association of Flight Attendants-CWA, isang unyon ng  mga flight attendant na pinakamalaki sa buong mundo. May 60,000 ang mga miyembro nito na nagmula sa 23 airlines.

Noong nakaraang a-sais ng Pebrero ay nagpahatid ang AFA-CWA ng isang liham sa opisina ng Philippine Airlines o PAL sa Los Angeles International Airport sa estado ng California sa Estados Unidos.

Ayon sa unyon na nakabase sa US, nakababahala ang pagtrato ng PAL sa mga dating kawani nito na mga miyembro ng PALEA.

Sa sulat, pinagdiinan ni AFA International President Veda Shook na dapat kilalanin ng PAL ang mga sakripisyong ibinigay ng mga miyembro ng PALEA upang pakitain ang PAL.

Dagdag pa ni Shook: “We will stand in support of the public boycott of Lucio Tan-owned PAL and Air Philippines until management has heeded workers’ demands for a return to their regular jobs.” Matindi, ano, mga ‘tol?

Tulad ng inaasahan, natuwa ang mga taga-PALEA sa pagpapakita ng suporta ng AFA-CWA. ‘Ika nga ng pangulo ng una na si kasamang Gerry Rivera, isang karangalan ang mabigyan ng suporta ng “our sister and brother flight attendants from America.”

Aniya pa, ang pakikibaka ng PALEA laban sa “outsourcing” at “union-busting” may epekto sa lahat ng mga manggagawa sa buong mundo.

Maidagdag ko na rin, kasamang Gerry, ang laban ng PALEA ay laban din ng lahat ng mga manggagawang transportasyon.

Kaya’t asahan mo at ng iyong mga kasamahan na naririto lang ang TRANSPORTER upang umalalay sa inyong mga plano.

Alam nating lahat na maraming pakikibaka ang transport workers. Araw-araw.

Hindi biro-biro at pipitsugin ang mga kalaban. Naririyan na nga ang PAL, ang “Big 3,” ang ‘ika nga ay “invisible hand” ng pandaigdigang merkado sa usapin ng presyo ng petrolyo at ang gobyerno mismo.

Wala tayong panlaban kung hindi ang ating pagkakaisa, pagkakapit-bisig at pagsigaw na sabay-sabay upang mapakinggan ang ating boses.Ano ba ang mahalaga, ang katotohanan o ang technicalities upang mapagtakpan at maitago ang katotohanan?

Tungkol  naman sa  bintang  na mahinang  abogado si Tupas at mga kasamahan niya sa prosecution, dapat magtanong muna sila sa Integated Bar of the Philippines para malaman nila na kabilang sa Top 20 sa Bar exams ang kongresista mula sa Iloilo.

Pangalawa, a matter of opinion yan.

Hindi dahil sina Tupas ay hindi mahusay na abogado sa paningin ng depensa ay maaabsuwelto na si Corona.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply