Paliwanag ng prosekusyon sa fake docus wala pa rin

BIGO pa rin ang House prosecution panel na magbigay ng written explanation hinggil sa kautusan ng impeachment court na ipaliwanag kung saan nakuha ang pekeng bank records ni Chief Justice Renato Corona.

Sa panayam, sinabi ni Atty. Gigi Reyes, chief of staff ni Senate President Juan Ponce Enrile na wala pang naibibigay na written explanation ang House panel sa direktiba ng impeachment court na magpaliwanag kung saan nanggaling o sino ang pinanggalingan ng mga dokumentong ginamit sa pagkuha ng subpoena.

“They (prosecution) haven’t complied yet. I haven’t received one yet,” ayon kay Reyes.

Nitong Lunes, sa kahilingan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, inatasan ni Enrile ang Prosecution panel sa pamumuno ni Iloilo Rep. Niel Tupas na magsumite ng written explanation kung saan nakuha ang kopya ng bank records na pag-aari umano ni Corona na ginamit sa pagkuha ng subpoena.

Ikinabit ng House prosecution panel ang naturang pekeng dokumento sa kahilingan na magpalabas ng subpoena ang impeachment court na inaatasan ang Philippine Savings Bank (PSBank) na isumite ang bank records ni Corona.

Ngunit sa pagsusuri ng impeachment court, kinumpirma ni Anabelle Tiongson, branch manager ng Katipunan branch ng PSBank na pawang peke at hindi orihinal na kopya ng bank records ni Corona na nakatago sa kanilang tanggapan ang ginamit na attachment ng prosecution panel.

Sa kabila nang pagkakabigo, sinabi naman ni Reyes na bibigyan ng kaukulang panahon ang House panel upang makapagsumite ng kaukulang paliwanag sa naturang alegasyon.

Kinumpirma naman ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na wala pa siyang natatanggap na kopya ng written explanation ng House panel hinggil sa naturang kautusan.

“Wala, ‘di ko pa alam, but anyway, I will check it,” ayon kay Sotto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply