Palpak na civil registry

KUNG mayroon mang isa sa mga pinakapalpak na ahensya ng pamahalaan, kabilang na rito ang Civil Registry.

Itong Civil Registry, Suki, ay yung opisina sa munisipyo o lungsod na pinagrerehistruhan ng mga ipinanganganak, ikinakasal at iba pa.

Makaraang mairehistro ang bata o ikinasal, ipadadala ng opisinang ito ang mga papeles sa National Statistics Office.

Doon naman sa NSO kukunin ang sertipikadong rekord na kinapanganakan para sa pag-aaplay sa trabaho o propesyon o pagbibiyahe sa labas ng bansa at iba pa.

Noong una, sapat na ang orig na birth certificate mula sa mga munisipyo at lungsod para sa mga nabanggit na layunin ngunit ngayon, yang papeles galing sa NSO ang kinakailangan.

Kada anim na buwan pa ang renewal at pakiramdam ng marami,  gusto lang gumawa ang NSO ng pera.

oOo

Balik tayo sa Civil Registry. Alam ba ninyong ang dami-raming inirerehistro  rito ngunit hindi umaabot sa NSO?

Por eksampol ang  mga bata.

Saka lang malalaman ng mga bata na hindi pala sila rehistrado sa NSO makaraan silang makagradweyt sa kalids at mag-aaplay ng trabaho o passport o driver’s license.

Karambola sila ngayon sa pagpunta sa Civil Registry upang magrehistro sila roon, kahit late registration.

Sinasabi sa mga bata na sa loob ng isang buwan, pupuwede nang tingnan sa NSO sentral opis sa Quezon

City ang rekord.

Pero wa-rekord ang NSO kaya balik na naman sila sa Civil Registry nila sa mga lalawigan.

Alam ba ninyo kung magkano ang inaabot na gastos ng mga bata rito?

Libo-libo, Suki, dahil sa pamasahe sa bus, barko o eroplano.

Iba pa ang daan-daang piso na gastos sa mismong Civil Regitry at notario.

PNoy, paano ba itutuwid ang bako-bakong daan dito, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply