Palpak na SSS at mga civil registry

ANO na ba ang nagaganap sa pamahalaan?

Nakapagtatakang walang pagbabago sa kapalpakan ng mga ito.

Batay ito sa dumarating na reklamo sa atin ukol sa mga ahensiyang Social Security System at Civil Registries.

oOo

Nauna rito, nabanggit natin ang siyam-siyam na paggawa ng SSS ng ID card na iniisyu nito.

Akalain mo kasing inabot ito na mahigit dalawang taon.

At kung nagkamali ng ispeling ang inyong pangalan o may mali sa entries, sasabihin nila sa inyo na doon na kayo sa SSS Central Office magpakorek o magpabago.

Anak ng…paano ang mga nasa malalayong lalawigan?

Naaasar ang mga may karanasan dito dahil bago mag-isyu ang SSS ng ID, ang daming hinihingi na reperens gaya ng birth certi-ficate, passport at iba pa pero mali pa rin ang mga ipinapasok na datos ng mga taong SSS.

Ngayon naman ay ipinarating sa atin ang mas makupad na lakad ng SSS.

Maniwala ba kayong marami ang may SSS number ngunit puro temporary?

Kaltas ng kaltas ang mga employer pero hindi maka-loan ang SSS members dahil apat na taon na ay temporary pa rin.

oOo

Ito namang mga civil registry ay mabilis sa pag-aksyon sa mga nag-aaplay ng tamang apelyido para sa mga batang hindi kasal ang mga magulang.

Ang daming gastos dito at daan ang halaga, kasama na ang apidabit.

Sasabihin nila sa iyo, sa isang buwan lang maipadadala na nila sa Natioanal Statistics Office ang mga rekord at pupuwede nang makuha sa NSO ang tunay na apelyido ng bata.

Pagdating mo sa NSO, walang bagong rekord, Suki, kahit ilang taon mo pang balik-balikan.

Tingnan ninyo, ga-gradweyt na ang bata sa elementary, wala pa rin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply