Palparan ‘di hawak ng militar– Gazmin

TAHASANG pinabulaanan ngayon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na kinukupkop ng militar si Retired MGen Jovito Palparan na wanted sa kasong kidnapping kaya hindi ito matagpuan at madakip ng mga awtoridad.

Ito rin ang naging reaksyon ng kalihim sa akusasyon ng mga militanteng grupo na itinatago ng ilang miyembro ng Philippine Army (PA) ang retiradong heneral na itinuturing na mortal na kaaway ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Gazmin, base sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga senior military officer, wala sa kanilang hanay ang nagbibigay proteksyon kay Palparan.

Pinayuhan din ni Gazmin ang mga sundalo na kung sakaling makita si Palparan ay kumbinsihing sumuko para harapin ang pagkakasala.

Aminado ang opisyal na hindi malayo na may ilang sundalo ang makikisimpatiya kay Palparan dahil sa tagal nitong nagsilbi sa kanilang hanay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply