Pamahalaan umaangkat ng bigas kahit tambak ang supply

KAHIT sobra ang supply ng bigas, nagpapatuloy pa rin ang pamahalaan sa pag-angkat nito.

Kinumpirma ni National Food Authority (NFA) Administrator Lito Banayo na sa kasalukuyan ay sobra ang supply ng bigas sa bansa.

Katwiran ni Banayo, ang pag-aangkat ng bigas ay bahagi ng commitment ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO).

Kaugnay nito, pumalag ang mga lokal na magsasaka sa naturang hakbang ng NFA.

Binigyang diin ng mga magsasaka na nabubulok na ang mga bigas na naka-imbak sa bodega ng NFA dahil sa patuloy na pag-aangkat ng bigas ng pamahalaan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply