Pamilya ni Ruby Rose Barrameda nagpasaklolo sa DOJ

NAGPASAKLOLO na sa Department of Justice ang aktres at dating beauty queen na si Rochelle Barrameda kaugnay sa kaso ng kanyang pinaslang na kapatid na si Ruby Rose.

Si Ruby Rose ay bangkay na nang matagpuan sa loob ng isang drum sa Navotas Fishport noong Hunyo 10, 2009.

Nanawagan si Rochelle kay Justice Secretary Leila de Lima na tulungan sila na umusad muli ang kaso ng kanyang kapatid makaraang suspendihin ng korte sa Navotas ang paglilitis sa kasong parricide laban sa asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez III.

Buwan ng Hulyo ng nakaraang taon pa nang suspendihin ng Navotas Regional Trial Court ang paglilitis sa kaso laban kay Jimenez dahil may nakabinbin pa umanong kaso hinggil dito sa Office of the President.

Dismayado naman si Rochelle sa pagkakasuspinde ng paglilitis dahil nangyari iyon kung kailan naaresto na ang bodyguard ni Jimenez na suspek din sa krimen na si Lennard “Spyke” Descalso.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply