Pamimigay ng PEI pinaplantsa na ni PNoy

PINAPLANTSA na ni Pangulong Benigno Aquino III ang sistema sa pamimigay ng productivity enhancement incentive (PEI) bonus sa mga kawani ng pamahalaan.

Kabilang na rito ang pagdaragdag sa PEI sa mga empleyado ng gobyerno.

Aniya, bahagi ito ng pagkilala sa kasipagan ng mga kawani ng gobyerno at mabigyan ng pagkakataong maitaguyod ng maayos ang kanilang pamilya.

Sa kabilang dako, inamin naman ni Pangulong Aquino na naliliitan siya sa P10,000 PEI ng government workers kada-taon at umaasang ngayong taon masisimulan ang nasabing bonus hike.

Sa kasalukuyan ay nasa 1.6 million ang bilang ng mga kawani ng gobyernong makikinabang sa performance incentive.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply