Panagbenga 2012

ANG Panagbenga o “Baguio Flower Festival” ay nasa ika-17 season na.

Ang salitang Panagbenga ay hango sa term na “Kankanaey” na ang ibig sabihin ay “a season of blooming.” o panahon ng pamumulaklak.

May temang “Community Convergence for a Sustainable Tourism Growth” ang Panagbenga 2012.

Inaasahan na maraming turista banyaga man o lokal ang dadagsa sa Grand Float Parade sa Linggo (Pebrero 26) at iba pang aktibidad ng festival sa mga susunod na araw.

Sa Grand Float Parade, nagpapasiklaban, nagpapabonggahan at nagpapagandahan ng float ang mga lumalahok dito.

Makikita ang iba’t ibang klase o uri ng bulaklak na matatagpuan sa Baguio.

Ang parada ng float ay sinasabayan ng magarbong banda o musiko ng mga taga-Baguio kaya naman hindi lamang ang mga float ang nagtatagisan ng galing kundi maging ang mga mamamayan din ng Baguio.

Sa mga nakaraang selebrasyon ng Panagbenga, mayroong street dancing kung saan nagpapamalas ng husay sa pagsasayaw ang mga taga-Baguio.

Naiulat na marami ang dumgsa at nakipagpartisipa sa ilang traditional activities ng festival.

Magtatapos ang festival sa Marso 4, 2012 sa isang magarbong fireworks display.

Major highlights ng Panagbenga 2012

-Panagbenga Opening Parade (February 1, 2012)
-Market Encounter (February 1-March 4, 2012)
-Let A Thousand Flowers Bloom (February 11, 2012)
-Handog ng Panagbenga sa Baguio (February 12, 2012)
-Fluvial Float Parade (February 12, 2012)
-Chinese Spring Festival (February 21, 2012)
-Grand Street Dancing Parade (February 25, 2012)
-Grand Float Parade (February 26, 2012)
-Session Road In Bloom (February 27 – March 4, 2012)
-Pony Boy’s Day (March 2, 2012)
-Panagbenga Closing Ceremonies (March 4, 2012)
-Grand Fireworks Display (March 4, 2012 @ 7:00pm)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply