Panalo ang pilot episode: LUV U ng ABS-CBN inaabangan

GRABE isang episode pa lang ang napanood sa bagung-bagong Sunday Teen Sitcom na LUV U ng ABS-CBN ay inaabangan na ito ng mga bagets at nagpi-feeling bagets. Hehehehe!

Nag-trending lang naman ito sa Twitter noong last Sunday (Feb. 19) para sa kanilang pilot episode.

Bitin na bitin ang mga bagets sa kanilang napanood at nagpahiwatig ang ilan sa kanila na gawin itong araw-araw. Ganyan kalakas ang hatak ng nasabing comedy show na idiniderek ni Bobot Mortis (panalo talaga ang direktor na ito pag comedy show ang pinag-uusapan).

Batay sa datos ng Kantar Media noong pilot episode last Feb. 19, nakakuha ang “Luv U” ng 11.9% TV rating.

Taob ang katapat na teen-oriented show ng GMA-7 na nakakuha lamang ng 9.1%.

Marami ang nag-aabang ngayon sa bagong actor na si Marco Gumabao na gumaganap sa papel na JB na kapartner ni Camille na ginagampanan naman ni Miles Ocampo na mula sa Going Bulilit.

Umani lang naman si Marco ng papuri sa mga netizens dahil sa kagwapuhan nito.

Maging sina Miles at Igi Boy Flores ay pinuri ng mga netizens dahil swak na pagpapatawa.

Kabilang pa sa cast ay sina CJ Navato bilang Boom, Angeline Gonzales bilang April, Igi Boy Flores bilang Rocky at ang kyut na kyut na si Kiray Celis bilang Whitney. Lahat sila ay mula rin sa Going Bulilit kaya no wonder pasok sa banga ang kanilang pagpapatawa.

Kasama rin sina Bangs Garcia, Smokey Manaloto, Joy Viado.

Ginagampanan ni Bangs ang magandang guro ng mga bagets habang si Smokey Manaloto ang principal ng Lamberto Uy Villarama University (dito hinango ang pamagat na LUV U).

Ang mahusay na komedyate na si Joy ang gumaganap na Lola ng mga girls.

Riot sa pagpapatawa ag buong cast kaya bukas, abangan ang kanilang adventure sa ikalawang episode ng LUV U sa ABS-CBN after ASAP 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply