Panalo ni Corona sa pa-raffle ng bangko idinepensa

MARIING sinabi ng Defense panel na hindi na dapat kuwestyunin ang panalo ni Chief Justice Renato Corona sa lottery ng isang bangko.

Ayon kay Atty. Karen Jimeno, tagapagsalita ng depensa, ang usapin sa Article 2 ay ang non-disclosure sa statement of Asset and liabilities and Net worth (SALN) ng mga ari-arian ni Corona at walang kaugnayan ang pagkapanalo nito ng isang milyong piso sa loterya sa PSBank.

Kaugnay nito, inamin din ni Jimeno na may ebidensya sila na agad lumabas sa impeachment trial.

Samantala, ani Jimeno, ang P11 milyon na pinautang kay Corona ng kompanyang Basa-Guidote ay parte ng kanilang depensa pero hindi sa pagkakataong ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply